Sunshine Cruz, happy that she’s on good terms with Cesar Montano and his current partner

Naging masalimuot man ang kanilang married life, naka-move on na si Sunshine Cruz sa mga pinagdaanan nila noon ng dating asawang si Cesar Montano alang-alang sa kanilang tatlong anak na sina Angelina, Sam, at Chesca.

Sa katunayan, kaibigan pa ng 47-year-old actress ang kinakasama ni Buboy na si Kath Angeles, kung saan may tatlong anak din ang ‘Jose Rizal’ actor.

Sa Instagram account ni Sunshine, lagi niyang ipinopost ang mga litrato ng kanilang bonding moments kasama si Cesar, ang bagong pamilya nito, at si Diego Loyzaga na anak ni Buboy kay Teresa Loyzaga.

Ani Sunshine sa panayam ni Boy Abunda sa ‘Fast Talk with Boy Abunda’ sa episode ng show noong Huwebes, October 24, “No’ng first time na nilabas ni Cesar yung mga bata after the Covid, nakita ko how happy the kids are so ipagkakait mo ba yun sa mga bata? Bakit ‘di ako magiging masaya? Nakikita ko ang kaligayahan ng mga anak ko so do’n nag-start lahat and, sabi ko nga, may kanya-kanyang buhay na kami. Cesar is happy, I am happy. Okay na kami. Bakit ‘di kami magkakasundo, especially kung para naman sa mga bata?”

Kung hindi raw sila naghiwalay ni Cesar, 24 years na silang kasal nito.

Dugtong ni Sunshine, “But we’re okay, we’re good friends. I’m good friends with Kath. I love kath, napakabait na tao na na mahal na mahal din ang mga anak ko. So ang saya lang, ang sarap sa pakiramdam ng mga nangyayari.”

Bukas ba ang puso ni Sunshine na magmahal muli?

Sagot niya, “Magkaroon man ng someone na nandiyan sa ‘kin o hindi, it’s something na I really don’t want to talk about in public anymore, so ang importante sa ‘kin is approval ng mga anak ko at kung may respeto at kung ang mga anak ko ay okay do’n sa lalaki, then yun ang mahalaga.”

Kung magkakaroon man daw siya ng bagong iibigin, pipiliin niyang maging low key ng kanilang relasyon.

Dagdgag ni Sunshine, “Sa akin, ang hirap lang ma-involve ng public kasi mapaglalaruan so kung maaari kung meron akong dine-date o ide-date, what you see is what you get na lang. Kung makita n’yo kami, e ‘di okay. Kung hindi, okay. Pero para i-share pa ulit sa social media or sa public, especially kung yung lalaki ‘di naman taga showbiz, ‘wag na lang.”

Tingnan ang inspiring modern family setup nina Sunshine at Cesar sa gallery na ito.

New Year 2023

Magkakasamang sinalubong ng ex-couple na sina Sunshine Cruz at Cesar Montano ang New Year 2023 kasama ang kanilang tatlong anak na sina Angelina, Sam, at Chesca, gayundin ang anak ni Buboy kay Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga, at ang current partner ng aktor na si Socorro “Kath” Angeles at kanilang tatlong anak na sina Liam, Samuel, at Kristen. May anak din si Cesar sa Miss Philippines Earth 2009 title holder na si Sandra Seifert na pinangalanan nilang Coco.

Sunshine and Cesar’s firstborn

Kahit may bago nang kinakasama, sinisigurado ni Cesar Montano na maging present lagi sa mga importanteng okasyon sa buhay ng kanilang anak ng dating asawang si Sunshine Cruz, tulad ng kaarawan ng kanilang panganay na si Angelina.

Angelina’s 23rd birthday

Noong September 24, 2024, nagdiwang si Angelina ng kaniyang ika-23 kaarawan sa piling ng kaniyang pamilya.

Modern family

Nakisaya sa 23rd birthday ni Angelina Cruz ang kaniyang half-sibling na si Diego Loyzaga at ang kasalukuyang partner ng kaniyang ama na si Kath Angeles.

Family mealtime

Maging ang ina ni Sunshine Cruz na si Alma ay masaya sa pagkakaayos nila ni Buboy.

Siblings

Magkaiba man sila ng ina, full-blooded sibling ang turing nina Angelina, Sam, at Chesca sa kuya nilang si Diego Loyzaga.

Sam’s 20th birthday

Nananatiling magkaibigan sina Sunshine Cruz at Cesar Montano para sa kanilang tatlong anak.

Related Posts

Our Privacy policy

https://lovenewsmovie.com - © 2025 News