May mensahe ang mga kasama ni Joaquin Domagoso sa GMA Afternoon Prime series na ‘Lilet Matias, Attorney-At-Law’ ngayong kaarawan niya. Happy birthday, Kapuso!
Nakatanggap ng pagbati ang aktor na si Joaquin Domagoso sa kanyang co-stars sa GMA Afternoon Prime legal-drama series na Lilet Matias, Attorney-At-Law ngayong ipinagdiriwang niya ang kanyang ika-23 na kaarawan.
Sa mensahe ni Jo Berry, ang gumaganap bilang Atty. Lilet Matias sa programa, tinawag niyang nakababatang kapatid si Joaquin.
“Happy birthday Inno @jdomagoso. I miss you baby bro,” sulat ni Jo.
Hindi rin maitago ni Zonia Mejia ang pagka-miss sa partner niya sa programa. Dating magkasintahan ang mga karakter nila sa Lilet Matias, Attorney-At-Law na sina Trixie at Inno.
“Happy birthday JD! I miss you na! @jdomagoso proud of u always!” sulat ni Zonia.
Happy birthday, Joaquin!
Patuloy na mapapanood si Joaquin Domagoso sa Lilet Matias, Attorney-At-Law, ang unang legal serye sa Pilipinas, sa bago nitong oras tuwing 2:30 p.m, Lunes hanggang Sabado, sa GMA Afternoon Prime at Kapuso Stream.