Kinakikiligan ang kulitan moments nina Jillian Ward at Kim Ji Soo sa kanilang TikTok videos.
Humahakot ng million views ang videos nina Jillian Ward at Kim Ji Soo sa TikTok.
Napakaraming netizens ang talaga namang kilig na kilig sa kanilang kulitan moments habang magkasama.
Ang unang TikTok video nina Jillian at Kim Ji Soo ay mayroon na ngayong 2.3 million views.
Ilang bagong videos naman nila ay mayroon nang mahigit 4 million views, kung saan mapapansin na sobrang komportable na sila isa’t isa.
Mapapanood sa mga ito na game na game ang bagong Sparkle actor na makisayaw sa tinaguriang Star of the New Gen.
Ang kanila namang entry para sa Brother Louie TikTok trend ay humakot na ng mahigit 28.6 million views.
Mapapanood ang kanilang videos sa TikTok account ni Jillian na sa kasalukuyan ay mayroong 12.3 million followers.
Sina Jillian at Kim Ji Soo ay napanood bilang magka-loveteam sa katatapos lang na award-winning medical drama na Abot-Kamay Na Pangarap.
Nakilala sila sa serye bilang mababait na mga doktor ng APEX Medical Hospital na sina Dra. Analyn at Dr. Kim Young.