Jhong Hilario dances with daughter Sarina in ‘Magpasikat 2024’ performance

Masayang nakasama ng actor-host na si Jhong Hilario ang kanyang anak na si Sarina sa “Magpasikat 2024” performance nito.

Isang makabuluhang performance ang ipinamalas ng Team JJC, o Jhong, Jackie, at Cianne, sa huling araw ng “Magpasikat 2024” ng It’s Showtime.

Ngayong Biyernes, October 25, napanood sa performance ng nasabing team ang tungkol sa mental health awareness. Ipinakita nina Jhong, Jackie, at Cianne sa pamamagitan ng pagsasayaw ang kanilang pagsulong sa adbokasiyang ito.

Mayroon ding higanteng spinning wheel ang naturang team kung saan isa-isa nilang ginamit ito.

Iba’t ibang special guests din ang kanilang nakasama sa performance gaya na lamang ng anak ng “Sample King” na si Sarina.

Masayang nakasama ng actor-host ang kanyang anak sa pagsayaw sa stage.

Bukod kay Sarina, iba’t ibang celebrities at personalities ang napanood sa pagtatanghal ng Team JJC tulad nina Pulang Araw actress Rochelle Pangilinan, Sparkle actor Kokoy De Santos, Kapuso actress-beauty queen Michelle Dee, content creator-dancer Niana Guerrero, at marami pang iba.

Balikan ang “Magpasikat 2024” performance ng Team Jhong, Jackie, at Cianne sa video na ito.

Malalaman na sa Sabado, October 26),kung sino ang mga magwawagi sa “Magpasikat 2024.”

Subaybayan ang It’s Showtime tuwing Lunes hanggang Sabado, 12 noon, sa GMA, GTV, at iba pang Kapuso platforms.

Related Posts

Our Privacy policy

https://lovenewsmovie.com - © 2025 News