Millionaire husband’s strict rule on wife: “No guys friend ever.”

Photo of the wife, and of the couple

Kabilang sa mahigpit na rules na ipinapatupad kay Soudi Al Nadak ng kanyang mister ay ang pagbabawal na magkaroon siya ng mga kaibigang lalaki. Ibinili rin siya ng isla para makapag-bikini nang walang ibang nakakakita. (Photos: soudiofarabia on IG)

Tila isang panaginip ang maikasal sa isang millionaire, pero ito ang naging buhay ni Soudi Al Nadak, isang social-media influencer mula sa Dubai, United Arab Emirates.

Ang 26-year-old influencer ay mayroong mahigit 420K followers sa Instagram.

Married siya sa millionaire na si Jamal Al Nadak.

Last October 30, 2024, nag-share si Soudi ng video bilang pasilip kung ano ang buhay niya bilang misis ng isang millionaire ng Dubai.

Inilatag din niya ang mga rules na in-impose sa kanya ng mister.

Ang video na may caption bawat frames—published as is—ay sinimulan ni Soudi sa: “Strict rules my millionaire husband has for me in Dubai.”

Photo of the rich coupleKasama sa mga binanggit ni Soudi Al Nadak na patakaran ng kanyang millionaire husband ay ang pagbabawal sa kanyang makipagkaibigan sa mga lalaki. Photo: soudiofarabia on IG

At ang una niyang binanggit sa mga rules na ito: “I can’t have a bag that doesn’t match my shoes.”

Ipinakita niya sa video ang bag na ka-match ng kanyang sapatos.

Dagdag pa niya, “The bills are his responsibility, I don’t work.”

Bukod dito, “I never cook, we always eat out.”

Sa video ay makikita silang mag-asawa na kumakain sa labas.

Kailangan din na lagi siyang pretty, kaya aniya, “My hair and makeup has to be done professionally daily.”

Ipinakita si Soudi habang inaayusan ng makeup artist.

At ang panghuli, “No guys friend ever.”

Sa photo ay isinuot ni Jamal sa daliri ni Soudi ang kanyang wedding ring.

Dagdag pa ni Soudi sa caption: “You can call me Soudirella because I’m his princess.”

 

CONTENTS NG WIFE LAGING TUNGKOL SA KANYANG LAVISH LYSTYLE

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-share si Soudi ng snippets ng kanyang lavish lifestyle.

Sa iba pa niyang Instagram posts ay makikita kung paano siya mag-shopping.

Nagpo-post din siya ng kanyang magagarang kotse, at ng kanilang first-class travel experiences sa iba’t ibang bahagi ng mundo.

 

Photo of the wife being glammed up

Bahagi ng strict rules ng Soudi Al Nadak ay kailangang magpa-beauty siya araw-araw. Photo: soudiofarabia on IG 

Nababatikos si Soudi ng netizens dahil masyado umano niyang ipinagyayabang ang kanyang karangyaan.

Hindi naman siya apektado.

Ni minsan ay hindi rin siya nag-apologize sa ginagawa niyang pagpapakita sa social media ng magarbo niyang paraan ng pamumuhay.

Ipinanganak si Soudi Peat sa Sussex, England, noong June 19, 1998.

Lumipat ang kanyang pamilya sa Dubai noong six years old siya.

Nakilala ni Soudi si Jamal noong pareho pa lang silang nag-aaral sa isang university sa Dubai.

Tatlong taon na silang kasal.

 
Photo of the couple

Bukod sa safety sa islang binili ng kanyang husband para sa kanya, doon din lang puwedeng magsuot si Soudi Al Nadak ng bikini. Photo: soudiofarabia on IG

Last September 19 ay ibinahagi rin ni Soudi sa Instagram na bumili ng isang isla ang kanyang mister.

Ang purpose ng purchase ayon na rin sa kanyang caption: “POV: you wanted to wear a bikini so your millionaire husband bought you an island.”

PUNA NG NETIZENS, PARANG NASA GOLDEN CAGE ANG WIFE

Ang Instagram post ni Soudi tungkol sa strict rules na ipinapatupad ni Jamal ay nakakuha na ng 88,467 likes, mahigit 3.5 million views, at 1,306 comments.

Marami sa mga nagkomento ang nagulat sa mga ibinigay niyang detalye.

Sambit ng isa, “No money can buy happiness. But it’s better to be happy and with money, than without I guess.”

May pumuna naman na kinokontrol si Soudi ng kanyang mister.

Dagdag pa ng nagkomento, “Your husband doesn’t trust you and doesn’t want you to live a fulfilling life.”

May nagsabi naman na batay sa facial expression ni Soudi ay hindi siya masaya sa kanyang buhay.

Mukhang hindi umano siya kayang ibili ng kanyang husband ng smiles.

Nagtanong din ang isang netizen kung pinapayagan ba si Soudi ng kanyang mister na mag-isip, magbigay ng kanyang sariling opinyon, o magsalita kapag nasa harap ng publiko o kahit nasaan siya.

Dagdag pa ng nag-usisa, “Being kept and not doing something productive with your life sounds terribly boring.”

Tanong pa ng isa, sakali raw kayang hiwalayan si Soudi ng kanyang mister, hindi na kaya bawiin ang mga iniregalo nito sa kanya?

Marami ring netizens ang nagsabing parang nakakulong si Soudi sa hawlang ginto.

Hindi naman siya nagre-reply sa anumang komento.

Related Posts

Our Privacy policy

https://lovenewsmovie.com - © 2025 News