Maris Racal on alleged “couple shoes” with Anthony Jennings: “Nagkataon lang talaga na same kami ng shoes…nagkataon lang talaga na yun ang suot naming shoes. Matagal na akong may ganoong sapatos. Three or two years ago.”
PHOTO/S: Screengrab @X/Maris Racal on Instagram
Nagsalita ang Kapamilya actress na si Maris Racal hinggil sa pagkakapareho nila ng sapatos ng on-screen partner niyang si Anthony Jennings.
Noong September 2024, pinag-usapan online ang litrato nina Maris at Anthony habang sila ay nasa Italy para sa taping ng upcoming Kapamilya action-drama series na Incognito.
Sa litratong kumalat online, makikitang magkatabing nakaupo ang dalawa at tila nagpapahinga.
Kapansin-pansin dito ang suot nilang rubber shoes na magkaparehas.
Hinala tuloy ng ibang netizens, ito ay “couple shoes” ng dalawa.
Photo/s: Screengrab @X
MARIS CLARIFIES ALLEGED COUPLE SHOES WITH ANTHONY
Sa ginanap na Opulence Ball noong October 21, 2024, nahingan ng reaksiyon si Maris tungkol sa couple shoes umano nila ni Anthony.
Ayon sa aktres, nagulat at natawa na lang siya na ginagawang isyu ang pagkakatulad ng sapatos nila ni Anthony, gayong hindi naman nila plinano na iyon ang kanilang susuotin.
Paliwanag ni Maris, “Actually, nagkataon lang talaga na same kami ng shoes.
“Natawa na lang ako sa nangyari, kasi nagkataon lang talaga na yun ang suot naming shoes.”
![Maris Racal addresses alleged](https://contents.pep.ph/images2/images2/2024/11/06/snapinstaapp-449356931-354927337703789-7828124218374191402-n-1080-1730908174.jpg)
Photo/s: Maris Racal on Instagram
Depensa pa Maris, matagal na siyang may ganoong sapatos at nagkataon lang daw na mayroon din si Anthony.
Aniya, “Matagal na akong may ganoong sapatos. Three or two years ago.
“Nagkasabay lang talaga kami [ng suot ni Anthony].”
Marami ang nag-uugnay ngayon sa dalawa lalo pa’t si Maris ay single, matapos niyang mahiwalay sa longtime boyfriend niyang si Rico Blanco.
ANTHONY’S RELATIONSHIP STATUS
Kung si Maris ay single, si Anthony naman ay in a relationship sa non-showbiz girlfriend nitong si Jam Villanueva.
Ngunit kamakailan lang ay nabalot ng kontrobersiya ang kanilang relasyon nang mapansin ng mapanuring netizens ang sunud-sunod na pagre-repost ni Jam sa TikTok at pagpu-post sa kanyang Instagram Stories ng mga quote na may kinalaman sa isyu ng betrayal, selos, at gaslighting.
Maging sa X (dating Twitter) ay kapansin-pansin din ang hugot posts ni Jam.
September 11, 2024 nang i-repost ni Jam ang video sa TikTok na may quote na “how digusting i feel knowing however far i could be there is always a feeling that you’re not being loyal to me.”
September 15 nang i-repost din niya ang video na may quote na “I never wanted to argue, I just wanted to understand how much it hurt me.”
Nasundan pa ito noong September 18 nang i-repost niya ang video na may quote tungkol sa taong labis na pinasakitan, pero pinipiling pairalin ang kanyang puso.
iS JAM ALLUDING TO ANTHONY JENNINGS?
Sa X account ni Jam, may mga nire-repost din siyang hugot quotes.
Noong September 22, ni-retweet ni Jam ang mensaheng “time always reveals true colors.”
Kinabukasan, September 23, ni-retweet ni Jam ang mensaheng “i be like ‘can it get any worse?’ and then it literally does bro.”
Pero bago pa ang mga ito ay nagre-repost na rin si Jam ng iba pang hugot quotes—dahilan para maghinala ang netizens na may pinagdadaanan itong problema.
Katulad noong August 23, ni-repost niya ang TikTok video na may quote na “Girl that spark will come back, I promise. You’ve got this.”
July 29, ni-repost naman niya ang TikTok video na may quote na “‘Girl instinct’ is always finding out everything.”
Noong July 28, ni-repost ni Jam ang TikTok video na may quote na “Me looking at the person i never thought would hurt me so much.”
Hindi tuloy maiwasang madawit sa isyu ang ka-love team ni Anthony na si Maris.
Hinala ng netizens, selos ang pinag-ugatan ng cryptic posts ni Jam.
Lalo na raw at ni-repost ni Jam ang TikTok video na may mensaheng “i will never forget your conversation with the girl you told me not to worry about.”
Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito ay hindi pa tukoy kung magkasintahan pa ba hanggang ngayon sina Anthony at Jam.