Ken Chan charged with syndicated estafa over P14M investment deal

ken chan syndicated estafa

Ken Chan (right) charged with syndicated estafa in a P14M investment deal involving his co-investor. Representing the unnamed complainant is his legal counsel Atty. Joseph Noel Estrada (left). 
PHOTO/S: Rachelle Siazon / Ken Chan Instagram
Pormal na kinasuhan ng estafa si Ken Chan ng Quezon City Prosecutor’s Office dahil sa isang diumano’y maanomalyang investment deal na nagkakahalaga ng PHP14M.

Ngayong Biyernes ng umaga, November 8, 2024, nagtungo ang pulisya sa bahay ni Ken para i-serve ang warrant of arrest laban sa Kapuso actor.

Bigo ang pulisya na makita si Ken dahil walang tao sa bahay ng aktor.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang entertainment reporters ang dalawang legal counsels ng complainant na sina Atty. Joseph Noel Estrada at Atty. Maverick Romero ng Estrada at Aquino Law Office.

Kinumpirma nilang sangkot sa kaso ang aktor at pito pa nitong co-investors.

KEN CHAN allegedLY HAD direct transaction with complainant

Ayaw magpatukoy ng complainant, pero inilarawan ng mga abugado na ito ay isang male businessman na nasa “40s-50s.”

Paliwanag ni Atty. Estrada, taong 2022 nang makausap ng complainant si Ken na nangako ng isang profitable investment sa restaurant at kung anupamang negosyo.

PHP14M ang halaga ng investment na ibinigay ng complainant sa grupo ni Ken.

Kalaunan, hindi raw tumupad ang grupo ni Ken sa kung anumang profit-sharing deal ang kanilang napagkasundaan.

“According to the complainant, hiningan [siya] ng investment ni Ken.

“Hindi naman sila authorized to solicit investment from the public.

“Using misrepresentation, fraudulent schemes, nakakuha sila ng pera sa complainant.”

Kinumpirma ni Atty. Estrada na direktang nakausap ng complainant si Ken para sa kanilang transaksiyon.

Nang tanungin kung kay Ken ibinigay ng complainant ang pera, sagot ng abogado, “Sa kanya napunta yung pera.”

Dagdag niya, “Ang involved na pera ay nasa PHP14M. I think base sa complaint, mga dalawang bigayan, in less than a year.”

Taong 2023 nang pormal na magreklamo ang complainant laban sa grupo ni Ken, at kamakailan ay umakyat ito sa husgado.

KEN CHAN WHEREABOUTS STILL UNKNOWN

Ayon kay Atty. Romero, September 2024 nang unang sinubukan ng pulisya na i-serve ang warrant of arrest laban kay Ken.

Pangalawang attempt na ang pag-serve ng warrant kay Ken ngayong araw, at sa parehong pagkakataon ay hindi pa nakita ng pulisya ang aktor.

Sabi pa ni Atty. Estrada, “Trinay lang natin i-serve ang warrant. Actually, pangalawang beses na ngayon.

“Nagbabakasakali lang tayo. Di siya nakita, e. Wala siya.”

Hindi malinaw kung nasaan ang aktor sa kasalukuyan.

Hindi pa rin daw nahahanap ang pito pang kapwa-akusado ni Ken sa kasong syndicated estafa.

Bukas ang PEP.ph sa anumang pahayag ng mga personalidad na nabanggit sa artikulong ito.

Related Posts

Our Privacy policy

https://lovenewsmovie.com - © 2025 News