Jam Ignacio, Karla Estrada’s ex, now engaged to girlfriend

Karla Estrada's ex Jam Ignacio now engaged

Jam Ignacio, the ex-boyfriend of Karla Estrada (not in photo), proudly posts pictures of his proposal to non-showbiz grilfriend Jellie Aw. 
PHOTO/S: Courtesy: Instagram

Engaged na si Jam Igncaio sa kanyang girlfriend na si Jellie Aw.

Si Jam ang ex-boyfriend ng actress-TV host na si Karla Estrada.

Sa Instagram kagabi, November 11, 2024, nagbahagi si Jam ng mga larawan sa birthday celebration ng girlfriend na si Jellie.

Sa kalagitnaan ng kanilang pagdiriwang, nag-propose si Jam kay Jellie.

Sabi ng ex-boyfriend ni Karla na si Jam, “Hon Happy Birthday!!! [beer mug emojis]

“Happy ako kasama kita sa special day mo, kasama mo na ako every year [smiling face emoji]

“tanggal na yung sumpa [laughing emojis] naging triple celebration tayo. Basta Mahal na Mahal kita !!! [smiling emoji] I Love You !!!”

Kalakip ng post ay ang larawan nilang naghahalikan, at naka-highlight ang kamay ni Jellie na suot ang kanyang engagement ring.

Read more about

Jam Ignacio
Karla Estrada
Jellie Aw

Komento ni Jellie, “thank you hon i love you [heart emoji]”

Jellie Aw comment

Jam Ignacio and Jellie Aw engagement photo

Photo/s: Courtesy: Instagram

JAM IGNACIO FIRST FLEXES NEW GIRL LAST AUGUST

Noong August 2024, ibinida ni Jam sa Instagram na may isang taong espesyal na sa kanyang puso.

Gamit ang isang grid maker app, nag-post si Jam ng litrato nila ng non-showbiz girl na si Jellie.

May siyam na pinagtagpi-tagping larawan, na animo’y puzzle, ang pinost ni Jam na agaw-pansing litrato.

Jam Ignacio flexes Jellie Aw

Hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita si Karla tungkol sa hiwalayan nila ni Jam.

Gayon din si Jam.

Ang huling post ni Karla tungkol sa kanila ni Jam ay noon pang March 23, 2023.

Related Posts

Our Privacy policy

https://lovenewsmovie.com - © 2025 News