Muling bumisita ang Global endorser at Millennial It Girl na si Gabbi Garcia sa ‘Fast Talk with Boy Abunda.’
Sa naging panayam ng tinaguriang King of Talk kay Gabbi, pinag-usapan nila ang boyfriend ng Sparkle star na si Khalil Ramos.
“What makes Khalil Ramos the best boyfriend?,” tanong ni Tito Boy Abunda sa aktres.
Ano kaya ang sagot ni Gabbi? Alamin sa gallery sa ibaba.
Gabbi Garcia about Khalil Ramos
Sagot ni Gabbi sa tanong ni Tito Boy kung bakit itinuturing niyang best boyfriend si Khalil Ramos, “He gives me peace in everything that I do.”
Love
Ayon pa kay Gabbi Garcia, “For my age at 25, I feel like [peace] is one of the factors that you think don’t need but you actually need and I’m lucky that my partner gives me that.”
Couple Goals
Bukod sa pagiging mahusay na mga aktor, itinuturing din ng marami na couple goals sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
Supportive
Supportive boyfriend si Khalil Ramos kay Gabbi Garcia.
Pahayag ng aktres, “Siya [Khalil Ramos], wala naman siyang ibang hinangad kundi suportahan ako sa lahat ng gusto kong gawin.”
Lucky
Proud na ibinahagi ni Gabbi Garcia na maswerte siya sa kanyang partner na si Khalil Ramos.
Sabi niya, “I’m very very lucky that I have a partner like that kasi wala siya talagang reklamo, side comments…”
The best
Sa segment na Fast Talk, inilarawan ni Gabbi Garcia ang kanyang sarili bilang “the best” na girlfriend.
Sweet moments
“Lambing,” yan ang sagot ni Gabbi Garcia kung ano ang paborito niyang ginagawa sa kanya ni Khalil Ramos.
Travel buddies
Sa Instagram, makikita ang napakaraming bonding moments nina Gabbi Garcia at Khalil Ramos sa kanilang trips mapa-abroad man o sa iba’t ibang lugar sa bansa.
In a relationship
Sa kasalukuyan, seven years nang magkarelasyon sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.
End Goal
Sa naturang interview, ibinahagi ni Gabbi Garcia kay Tito Boy Abunda na ang pakasalan ang isa’t isa ang end goal nila ni Khalil Ramos sa kanilang relasyon.