Matapos ang confirmed na hiwalayan nina Bea Alonzo at Dominic Roque, nag-share ng cryptic post ang kapatid ng huli na si Lhean Roque.
Isang picture ng “wolf in sheep’s clothing” ang ibinahagi ni Lhean sa kanyang Instagram Story.
Ang lobo na nakadamit ng tupa ay isang idiom mula sa Sermon on the Mount ni Hesus.
Nagbabala ito laban sa mga indibiduwal na dalawa ang pagkatao o nagpapanggap na mabait. Itinuturing ng ebanghelyo ang gayong mga tao bilang mapanganib.
Tingin ng mga netizen, si Bea ang pinatatamaan dito ng kapatid ni Dominic.
“Makes me think kaya cguro iniwan sya bigla ni Gerald.”
“Two face person in short.”
“Parang binalik lang yung dati with zanjoe kakasal tas naghiwalay.”
“Meaning c bea my problema.”
“Nakailang bf na ba c bea my god cya na ata my problema hindi ang lalaki.”
“Kaya nga takot c gerald jan hahahahaha.”
“What if Kay Bea pala talaga Ang deperensya?” (IS)