Jillian Ward, Carmina Villarroel, ‘Abot-Kamay na Pangarap’ cast share their GMA Pinoy TV moments

Alamin ang mga hindi malilimutan ng ‘Abot-Kamay na Pangarap’ cast sa pagpunta nila sa Japan.

Natapos man ang hit medical series sa Afternoon Prime na Abot-Kamay na Pangarap, hindi pa rin nawawala ang suporta ng mga manonood dito.

Ngunit hindi malilimutan ng cast na sina Jillian Ward, Carmina Villarroel, Richard Yap, Pinky Amador, at Kazel Kinouchi ang pagmamahal ng Global Pinoys na ipinaramdam sa kanila noong nagpunta sila sa Japan kasama si Ken Chan para sa “Ang Saya-Saya ng Pasko sa Nagoya” noong December 2023.

Binalikan rin ng cast ang “GMA Pinoy TV moments” nila sa Japan sa isang video na pinost ng GMA Pinoy TV, ang international channel ng GMA Network, sa Instagram.

Sobrang saya umano ni Jillian sa pagpunta ng Japan dahil priceless ang mga ngiti ng Global Pinoys na nakita niya doon dahil sa kanilang performance.

“Sobrang saya ko na through this show naagkakaroon ng ganu’ng opportunity na parang madala namin ulit ‘yung Pilipinas sa kanila, sa ibang bansa. Ma-feel nila na kahit nasa Japan sila, parang at home pa rin sila kasi meron pa silang mga kababayan na nandu’n at nag-perform para sa kanila, sabi ng Star of the New Gen.

Inalala naman ni Carmina ang pagiging friendly, warm, at accommodating ng mga Pinoy “anywhere in the world” na naramdaman nila noong magpunta sila sa Japan.

Pag-alala pa ng aktres, “At saka nakakatawa, kapag nakakakita ka ng kababayan natin sa ibang bansa, parang kahit hindi mo sila kakilala, ‘pag nagkita kayo parang ‘Hi!’ ‘Yung parang ganu’n, ‘yung parang it’s so happy to see a kapwa Pinoy abroad.”

Kuwento pa ni Carmina ay hindi niya naramadaman na nagtatrabaho at nag-show sila sa Japan noong mga panahon na iyon at sa halip ay bakasyon lang kasama ang pamilya dahil iyon umano ang unang pagkakataon na nagpunta siya kasama ang co-stars niya sa Japan.

BALIKAN ANG NAGANAP NA ‘ANG SAYA-SAYA NG PASKO SA NAGOYA’ SA JAPAN SA GALLERY NA ITO:

Ayon naman kay Richard ay nami-miss na ng mga Pinoy sa Japan ang Pilipinas ay madalas ay pinupunan nila ito ng panonood ng mga palabas mula sa GMA.

Aniya, “Kaya lang, ‘yung iba, sobrang busy sa trabaho, pero they always make it a point na panoorin pa rin nila kahit online.”

Para kay Pinky Amador ay napaka-welcoming ng mga Pinoy sa Japan, at sinabing “they really treasured” na nandoon sila.

Pagpapatuloy pa ng aktres, “Pinahalagahan nila kami and the same na kami din sa kanila.”

Surreal naman para kay Kazel na bukod sa pag-abot ng kanilang serye sa Japan, meron din silang solid fans sa bansa.

“Kasi kami we’re just portraying our roles, doing our jobs, pero since we gave love sa characters sa show namin, nasuklian ‘yung pagmamahal namin sa trabaho,” sabi ng aktres.

Related Posts

Our Privacy policy

https://lovenewsmovie.com - © 2025 News