May non-showbiz girlfriend ang South Korean actor na si Jung Woo Sung, 51, nang mabuntis niya ang Korean model na si Moon Gabi, 35.
Ito ang nakalap na impormasyon ng ilang South Korean entertainment sites, matapos aminin ni Jung Woo Sung na siya ang ama ng anak ng model na si Moon Gabi.
Sa ulat ng Allkpop nitong Lunes, November 25, 2024, kinumpirma raw ng kanilang source na may longtime girlfriend si Jung Woo Sung nang magkakilala sila ni Moon Gabi, gayon din nang mabuntis nito ang modelo.
Jung Woo Sung
Photo/s: Jung Woo Sung on Instagram
Alam din daw ito ng malalapit na kaibigan ng aktor sa showbiz. Sa katunayan, makailang beses na raw namataang nakikipag-double date si Jung Woo Sung at ang girlfriend nito sa celebrity couple na sina Lee Jung Jae at Lim Se Ryung.
Dahil sa impormasyong ito, hiningan ng reaksiyon ang talent management ni Jung Woo Sung na Artist Company kung ito ay may katotohanan.
Ngunit nananatiling tikom ang kanilang bibig.
Saad daw ng Artist Company kaugnay sa isyu: “Please understand that we cannot confirm this as it is the actor’s private life.
“Please refrain from making excessive speculation. The child that Moon Gabi revealed through SNS is indeed Jung Woo Sung’s biological child.
“We are discussing the best way to raise the child, and as a father, he will do his best for the child.”
Jung Woo Sung reveals he’s now a father
Nitong Linggo, November 24, inamin ni Jung Woo Sung sa publiko na siya ang ama ng anak ni Mooon Gabi.
Ang pag-amin ni Jung Wong Sung ay nangyari matapos ilathala ng Dispatch ang pagkakakilanlan ng sanggol na isinilang ni Moon Gabi noong March 2024.
Noong November 22, isinapubliko sa unang pagkakaton ng model ang aniya’y blessing na dumating sa kanyang buhay—ang pagkakaroon niya ng anak na lalaki.
Sa kanyang Instagram, in-upload ni Moon Gabi ang black-and-white photo niya habang nakahawak sa kanyang mukha ang isinilang niyang sanggol.
Mababasa sa kanyang caption: “I was not prepared for such a sudden news, I spent most of my pregnancy quietly basking in the blessings of my family rather than enjoying the joy or celebration of my pregnancy.
“The choice to do so was only for the baby to be born.
“I thought that in order to keep something precious on the one side of my mind, I have to work hard.
“I was such a poor-to-be mom with nothing prepared so I needed time to prepare everything but actually I think that was a coward’s mom’s choice.”