Usap-usapan ngayon online kung may espesyal bang ugnayan sina Sue Ramirez at Dominic Roque.
Ito’y matapos silang makunan ng video habang naghahalikan sa isang bar.
Sa video na kuha ng netizens, makikita si Sue na nakasuot ng puting dress, habang si Dominic naman ay nakasuot ng black na T-shirt at cap.
Photo/s: Screengrab @Reddit
Nakaupo sila habang pinapalibutan ng kanilang mga kaibigan nang biglang hawakan ni Sue ang mukha ni Dominic, dahilan para sunggaban siya ng aktor at tuluyang magdikit ang kanilang mga labi.
Photo/s: Screengrab @TikTok
Matapos maghalikan, makikita pa ang paghawak ni Dominic sa kamay ni Sue bago ito tuluyang tumayo.
Photo/s: Screengrab @TikTok
Ayon sa Reddit, kuha ang video nina Sue at Dominic sa isang bar sa General Luna, Siargao, kunsaan parehas na nagbabakasyon ang dalawa.
Tila tugma naman ito sa Instagram Stories at post nina Sue at Dominic.
Nitong Huwebes, November 7, 2024, nag-post si Sue sa Instagram ng larawan niya habang siya ay nasa Lamari, Siargao.
Photo/s: Sue Ramirez on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓